Medical Mission at Manotoc, Quezon City | June 18, 2023

6/21/2023

Matapos ang ilang taon ng COVID-19 pandemic, matagumpay na nailunsad muli at matiwasay na naisagawa ang Medical Mission sa Barangay Baesa noong ika-18 ng Hunyo, taong 2023 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Matatamis na mga ngiti ang ipinakita at buong-pusong pasasalamat ang ipinahayag ng umabot sa 403 na mga pasyente na nabigyan ng serbisyong medikal (252), optikal (111), at dental (40).

Buong-araw na lakas at kagalakan sa puso rin ang baon ng lahat ng mga doktor, nars, at iba pang volunteers na mula sa Across Ministries, Greater Heights Christian Worship Center, at iba pang organization na sama-samang nakipag-isa at nakipagtulungan upang maging maayos at mapayapa ang naganap na Medical Mission sa Covered Court ng Manotoc Subdivision, Baesa, Quezon City.

Sa Walang-hanggang Biyaya at Grasya ng Diyos, naramdaman ng bawat pasyente ang kapanatagan sa puso at isipan maging kagalingang-espiritwal matapos ang pananalangin sa kanila sampu ng kanilang kasiyahan dahilan sa mga libreng gamot at serbisyong kanilang natanggap.

Lubos na papuri at pagsamba para sa ating Dakilang Diyos sa Kanyang Kabutihan, Kapangyarihan, at Katapatan sa buhay ng bawat isang nakilahok at nakibahagi sa gawaing ito.

“Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan Niya ng Tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa Kanya.” 1 Mga Taga-Corinto 15:57-58