2024 Annual Christmas Gift Giving Event | December 15, 2024
12/24/2024


MALIGAYA AT MASAGANANG PASKO, KA-RHORA!
Ang Pasko ay isang espesyal na panahon para maghatid ng saya. Ito ay hindi lamang tungkol sa halaga ng regalong ibinibigay, kundi sa mensahe ng pagmamahal at kaligayahan na dala nito.
Noong ika-23 ng Disyembre 2024, sa pangunguna ng mga pinagpala at mapagbigay na opisyales at miyembro ng Rodriguez Homeowners and Residents Association (RHORA) at sa suporta ng Greater Heights Christian Worship Center, ay muling idinaos ang pamamahagi ng regalo sa mga bata at kabataan ng Rodriguez Subdivision.
Tunay na ang naganap na pamimigay ng regalo ay naghatid ng kagalakan sa lahat ng naging kabahagi nito.
Ang pagbibigay ng regalo sa mga bata ay naging isang taunang programa na pinagtutulungang maisakatuparan nang matagumpay. Ito ay nagbibigay-daan upang maramdaman ng bawat miyembro ng "RHORA Community" na ang bawat isa ay may halaga. Ito rin ay isang paraan upang mapanatili ang maganda at masayang relasyon sa komunidad, lalo na ngayong kapaskuhan.
Sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa bawat programa ng RHORA, mabuhay po kayo at dalangin namin na ang pagpapala ng ating Diyos na Buhay ay patuloy na maranasan sa inyong bawat tahanan.











